Ang FILDIS ay isang praktikal na kursong nagpapalawak at nagpapalalim sa kasanayan sa
malalim at mapanuring pagbasa, pagsulat, at pananaliksik sa wikang Filipino sa iba’t ibang
larangan, sa konteksto ng kontemporaryong sitwasyon at mga pangangailangan ng bansa at
ng mga mamamayang Pilipino. Nakatuon ang kursong ito sa makrong kasanayang pagbasa at
pagsulat, gamit ang mga makabuluhang pananaliksik sa wikang Filipino, bilang lunsaran ng
pagsasagawa ng pananaliksik (mula sa pangangalap ng datos at pagsulat ng burador ng
pananaliksik hanggang sa publikasyon at/o presentasyon nito) na nakaugat sa mga suliranin at
realidad ng mga komunidad ng mga mamamayan sa bansa at maging sa komunidad ng mga
Pilipino sa iba pang bansa. Saklaw rin ng kursong ito ang paglinang sa kasanayang pagsasalita,
partikular sa presentasyon ng pananaliksik sa iba’t ibang porma at venue.
- Teacher: Lycka May Flores