Ang DALUMATFIL ay isang maagwat na kursong nagpapalawak at nagpapalalim sa kasanayan sa malalim at mapanuring pagbasa, pagsulat, at pananaliksik sa wikang Filipino sa iba’t ibang larangan, sa konteksto ng kontemporaryong sitwasyon at mga pangangailangan ng bansa at ng mga mamamayang Pilipino. Partikular na nakatuon ang kursong ito sa makrokasanayang pagbasa at pagsulat, gamit ang mga makabuluhang pananaliksik sa wikang Filipino, bilang lunsaran ng pagpapalawak at pagpapalalim sa kasanayan, kakayahan at kamalayan ng mga estudyante na malikhain at mapanuring makapagdalumat o “makapag-teorya” sa wikang Filipino, batay sa mga piling lokal at dayuhang konsepto at teorya na akma sa konteksto ng komunidad at bansa.
- Gurò: Mariedel Atuat
Skill Level: Beginner